by: Sonia Francesca
Hero: Vash
Heroine: Presea
Hero's Company/Work: owned Midland Productions, Real Estate here and abroad, Largest Wine- Producing lands in Spain, Music and Movie Productions
Heroine's Company/Work: Chambermaid at Elite Hotel
Book Review:
I really loved "Vash". Not only for his Charming, Angelic face but also for his warm heart or because of how good he was with people whom he hardly knew. Wala siyang pinipiling tao na tulungan. Sa mababae o lalaki, matanda o bata at kung sinu-sino pa. Nainlove na nga ata ako sa kanya. Sobrang bait niya kasi na to the point na kahit inaabuso na siya ng mga taong tinutulungan niya, ay wala siyang pakiaam. Katwiran nga niya, Wala na raw siyang pakialam kung aabusuhin man siya, basta para sa kanya, nakatulong na siya sa mga ito. Kahit na nga sa mga kaibigan niyang babae na tinulungan rin niya. Nagbibigay agad ng ibang meaning sa ipinapakitang kabaitan ni Vash. Kaya sa huli, ay napapa away talaga siya o nasasangkot siya sa gulo at susugurin siya ng mga boyfriends ng mga babaeng tinulungan niya. Yun nga ang ayaw ko sa ugali niya. Dahil kahit ano pa ang sabihin ng driver/bodyguard niyang si Bart at ng mga kapwa niya Billionaire Boys o yung mga Kaibigan niya, ay tuloy pa rin siya. Kaya nga ang saya ko ng pagtagpuin na ang landas ng dalawa o nina Vash at Presea. Bagay talaga ang dalawa. Ang bait din kasi ni Presea at maganda pa. Mejo nainis lang ako sa kanya ng konti. Naniniwala kasi siya sa kasabihang, "Ang mayayaman ay dapat sa mayayaman at ang pobre ay dapat sa pobre". Eh old school na nga yun di ba?!. Pero wala din tayong magagawa dahil kahit ako man ay yun din agad ang maiisip dahil na rin sa estado ng buhay nila. Pero para sakin, di naman talaga basehan ang estado ng buhay pagnagmahal ka o kung ano ang itsura. Walang pinipili pag nagmahal at lalong hindi sinusukat, lahat pantay lang.
Sobrang Ganda talaga...hehe... Sarap ulit-ulitin... ;)
Megz.... ;)
No comments:
Post a Comment